Connect with us

Aklan News

PAKIKIPAG-SELFIE SA MGA KANDIDATO, IPAGBABAWAL NG COMELEC NGAYONG NEW NORMAL

Published

on

PAKIKIPAG-SELFIE SA MGA KANDIDATO, IPAGBABAWAL NG COMELEC NGAYONG NEW NORMAL

IPAGBABAWAL ng Commission on Elections (COMELEC) ang pakikipag-selfie sa mga kandidato sa kanilang pangangampanya ngayong new normal.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Comelec Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo kailangang sumunod sa ipinalabas na Comelec Resolution No. 10732 ang mga kandidato sa kanilang pangangampanya.

Aniya, sa darating na Pebrero 5 ay magsisimula na ang campaign period para sa national candidate samantanlang sa Marso 25 naman ang para sa mga local candidates.

“…by that time hay ma-consider eon naton sanda nga kandidato ag not just nga simple nga aspirant”, ani Gerardo.

Pahayag pa ni Gerardo na ipinagbabawal din umano ng COMELEC na pumasok sa mga bahay ang mga kandidato kahit na ang mismong may-ari ng bahay ang nagyaya sa kanila.

Ito ay upang masiguro aniya na nasusunod ang ipinapatupad ng pamahalaan na health protocols.

Saad pa ng tagapagsalita ng Comelec-Aklan na kailangan muna ng mga kandidato na kumuha ng permit mula sa Comelec Campaign Committee bago sila magsagawa ng kampanya sa isang lugar.

Ang Comelec Campaign Committee ay binubuo ng Comelec Commission Officers kasama ang Arm Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Pulis (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DOH).

Dagdag pa nito na ang mga pinapayagan lamang makisali sa mga election campaign ay ang mga edad 18 hanggang 65 taong gulang.