Connect with us

Aklan News

BANGKA NG MGA MANGINGISDA BINANGGA NG BARKO, 2 ANG LIGTAS, ISA ANG NAWAWALA

Published

on

Dalawa ang nakaligtas samantala isa pa ang missing sa tatlong mangingisda na umano’y nabangga ng barko ang kanilang sinasakyang bangka hatinggabi kagabi sa karagatan na sakop ng probinsya ng Masbate at Capiz.

Sakay ng bangka ang mga mangingisdang sina Jerald Retos, Leo Arelas at Ricky Peralta ng Brgy. Bachao Norte, Kalibo.


Sa eksklusibong panayam ng Radyo TODO kay Arelas isa sa mga nakaligtas, umalis sila kahapon ng umaga sa Bachao Norte sakay ng bangkang de-motor para mangisda sa karagatan sa pagitan ng Capiz at Masbate.

Maghahatinggabi na umano ng aksidente silang mabangga ng isang cargo ship at huli na umano para umiwas pa sila kaya minabuti umano nilang tumalon sa dagat.

Sinikap umano niyang lumangoy palapit sa mga kasamahan nilang mga mangingisda din para makaligtas kasama si Retos subalit hindi nila kasamang nakaahon si Peralta na missing pa hanggang sa ngayon.

Naputol naman ang hulihang bahagi ng bangka ng mga biktima.

Ligtas namang nakauwi ang mga survivors kaninang hapon matapos magresponde ang Kalibo MDRRMO.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *