Connect with us

Aklan News

TIGAO TO MAKATO PUBLIC MARKET DIVERSION ROAD, BINUKSAN NA

Published

on

Madadaanan na simula ngayon ng mga motorista ang Sitio Tigao to Makato Public Market Diversion Road.


Nitong araw, pinangunahan ng mga lokal na opisyal ang pagbubukas ng alternatibong daan papunta sa palengke para sa kaginhawaan ng mga motorista at mananakay.

Dumalo sa aktibidad sina Governor Florencio Miraflores, 2nd District Representative Teodorico Haresco, Mayor’s League President at Ibajay Mayor Joen Miraflores, Makato Mayor Abencio Torres, SP member Jay Tejada, Makato SB member Abencio HB Torres III, at SB member Steven Tejada.

Sa naging mensahe ni Mayor Torres, mahalaga aniya na may alternatibong daan papunta sa palengke dahil ang harap nito ay masikip na at marami ang nadidisgrasya.

Pinasalamatan din nito ang mga donors ng lupa na sina Raul Tabo, Esmeraldo Estrada, Ernesto Solidum at Tejada Family.

Pinuri rin ni Gov. Miraflores ang mga donors ng lupa dahil sa panahon ngayon, kakaunti na lamang ang mga nais magdonate.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *