Connect with us

Capiz News

3 arestado sa drug buy bust ops sa Roxas City

Published

on

By

TIKLO ang tatlong indibidwal matapos mahulihan ng droga sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Tiza, Roxas City ngayong Miyerkules.

Kinilala ang mga inaresto na sina Shayne Iver So alyas “Shayne”, 22-anyos at ang main target ng mga operatiba; Nelfa Alindajao, 20-anyos, isang

High Value Individual at Rolan Malones 23 anyos at isa ring High Value Individual.

Nakuha mula sa kanila ang walong sachet ng suspected shabu, P6,000 na buy bust money,drug paraphernalias at iba pang non-drug items.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ang tatlo ng Roxas City PNP at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.