Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos masagasaan ng motor sa Brgy. Adlawan, Roxas City

Published

on

Patay ang isang 48-anyos na lalaki matapos siyang masagasaan ng isang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Adlawan, Roxas City Miyerkoles ng gabi.

 


Kinilala ang biktima na si Dante Celoso, residente ng nasabing barangay, habang kinilala naman ang driver ng motorsiklo na si Robindan Dela Cruz, 28-anyos, residente ng Brgy. Cagay sa lungsod ding ito.

 

Batay sa imbestigasyon ng Roxas City PNP, mabilis umano ang patakbo ng driver ng motorsiklo nang mabundol nito ang tumatawid na biktima.

 

Matapos nitong masagasaan ang biktima, sumalpok ang motorsiklo sa sign board sa border control at tumilapon sa harap ng Brgy. Outpost.

 

Mabilis na isinugod sa Capiz Doctor’s Hospital ng mga rumespondeng mga tauhan ng Capiz Emergency Response Team ang biktima pero dineklara ito ng doktor na dead on arrival.

 

Kulong naman sa Roxas PNP Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *