Connect with us

Capiz News

Lalaki arestado matapos sakalin, pukpokin ng martilyo at nakawan ang isang matanda

Published

on

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki matapos nitong sakalin, pukpokin ng martilyo at nakawan ang isang matanda sa Brgy. Banica, Roxas City.

 


Kinilala ang suspek na si Joel Codilla, residente ng probinsiya ng Masbate habang ang biktima ay kinilalang si Anita Adorio, isang tindera at residente ng Brgy. Banica.

 

Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon nitong Miyerkoles habang nagtitinda ang matanda sa kaniyang pwesto.

 

Ayon sa report ng Roxas City PNP, pumunta umano sa tindahan ng biktima ang nasabing suspek na nagpanggap na kustomer at nang maka-tyempo ay sinakal, pinukpok ng martilyo sa ulo ang biktima at ninakawan ng bag.

 

Nabatid na ang bag ay naglalaman ng mahigit Php7,000 at isang cellphone.

 

Nadakip ang suspek at narekober sa kaniya ang nasabing bag. Nakakulong ito ngayon sa Roxas City PNP.

 

Isinugod naman sa ospital ang matanda para gamotin.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *