Connect with us

Business

Inaasahang tataas muli ang presyo ng petrolyo bukas Oktubre 26

Published

on

Presyo ng langis

Kailangang maghanda muli ang mga motorista sa pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Sa projections ng Unioil Petroleum Philippines para sa Oktubre 26 hanggang Nobyembre 1, tataas ng P1.10 hanggang P1.20 ang presyo ng gasolina bawat litro, habang ang higher grade na gasolina ay tataas ng P1.50 hanggang P1.60 bawat litro.

Samantala ang presyo ng diesel ay maaring tumaas sa P0.40 hanggang P0.50 bawat litro, habang ang kerosene ay inaasahang tataas ng P0.45 hanggang P0.55 bawat litro.

Ito na ang ika-siyam na sunod-sunod na linggo na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo simula noong Agosto.

Kadalasan, pinapahayag ng mga fuel firms ang kanilang price adjustments tuwing Lunes, at ma-isasatupad ito sa susunod na araw.

Samantala, ang latest na year-to-date presyo ng gasolina ay may net increase ng P19.65 bawat litro, P18.00 bawat litro naman para sa diesel, at P15.49 bawat litro ang kerosene.

(GMA News)