Connect with us

Aklan News

WALO, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Sasampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law ang walong kalalakihan na naaresto matapos maaktuhang nagsasagawa ng ilegal na sabong kahapon ng hapon sa Aliputos, Numancia.

Nakilala ang mga naarestong sina Roberto Arias, 46 anyos ng Aliputos, Numancia; Andypel Geromo, 38 anyos ng Bagto, Lezo; Jury Cris Olid, 26 anyos ng Marianos, Numancia; Earrl Kenneth Fuentes, 29 anyos ng Laguinbanwa West, Numancia; Felbert Constantino, 29 anyos ng Marianos, Numancia; Mark Tarantan, 27 anyos ng Laguinbanwa West, Numancia; Bryan Bustilla, 27 anyos ng Lauguinbanwa West, Numancia; at Lloyd Iguban, 45 anyos ng Dongon West, Numancia.

Ayon sa Numancia PNP,  isang anti-illegal gambling operation ang kaagad nilang ikinasa matapos matanggap ang sumbong hinggil sa aktibidad doon ng mga suspek.

Kaagad silang inaresto at kinumpiska ang 4 na manok-panabong, pati na ang kabuuang P25, 759.00 nilang pusta.

Pansamantala silang ikonostodiya ng Numancia PNP, at ngayong araw naman sasampahan ng karampatang kaso.

Samantala, sinabi pa ng Numancia PNP, na palipat-lipat umano ng lugar ang mga nasabing suspek, at hindi agad matiyempugan ng mga pulis.