Connect with us

Aklan News

DATING BROADCASTER NA SI CARLO ASTURIAS, INARESTO SA KASONG LIBEL

Published

on

Inaresto ng mga tauhan ng New Washington PNP, CIDG, HPG at Aklan Mobile Company ang isang dating brodkaster sa Aklan alas 7:30 kagabi sa Brgy. Ochando, New Washington, Aklan.

2 counts of Libel na may criminal case number 1854 at 1855 ang isinilbi kay Carlo Asturias, 47 anyos at tubong Punta Tabuk, Roxas City sa pamamagitan ng warrant of arrest na pinalabas ni Judge Noemi Balitaa, NCJR , Branch 258 sa Paranaque City na may petsang January 4, 2022.

Parehong tig-sampung libong piso ang itinakdang pyansa ng korte para sa nasabing kaso para sa pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.

Napag-alaman na sinampahan ni Mrs. Carol Rondario Fernando si Asturias ng kasong libelo dahil sa umano’y malisyoso nitong mga komento at pahayag sa pagkamatay ng dating SB member ng Malinao na si Jun Rondario.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng New Washington PNP si Asturias at nakatakdang iharap sa korte sa susunod na araw.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *