Connect with us

Aklan News

SP Neron sa nangyaring sagupaan ng militar at NPA: “Indi dapat kita maalarma”

Published

on

WALANG DAPAT ikabahala kasunod ng nangyaring sagupaan ng tropa ng pamahalaan at grupo ng mga NPA sa bayan ng Libacao.

Ito ang pahayag ni Board Member Nemesio Neron, chairman ng committee on Peace and Order and Public Safety at miyembro ng Provincial Peace and Order Council sa Aklan.

Ayon kay Neron, walang dapat ikabahala dahil isa lamang itong ‘spirit move’ nga mga komunistang grupo upang ipakita na may lakas pa rin sila.

“Kung para kakon, nothing to alarm, indi dapat kita maalarma. Why? Ro mawra ngara, spirit move malang nanda ra. Gusto nanda ipakita nga may pwersa gihapon sanda,” wika nito.

“Dahil ro kamatuoran sa makaron, dahan-dahan eon sanda ra…kung sa mga isda, dahan-dahan eon sanda nga nauubusn it tubi ag kung maubusan it tubi of course patay ro isda. Dahil ro masa, nakabugtaw eon sa matuod nga katuyuan it mga komunista,” dagdag pa ni Neron.

Saad pa ni Neron, mayroong detachment ang militar at kapulisan sa mga barangay kung saan nangyari ang mga engkwentro.

Ipinasiguro din nito na mayroong koordinasyon ang lokal na pamahalaan ng Aklan sa militar at kapulisan uoang malabanan ang mga komunistang grupo.

“We are always in close coordination with our Philippine army, the security forces that being station in our province of Aklan including of course ro atong mga kapulisan,” pahayag ni Neron.

Dagdag pa ni Neron, namulat na rin ang mga tao sa katotohanan gayundin na naging epektibo ang mga programa ng pamahalaan laban dito.