Connect with us

Aklan News

Construction worker, tiklo sa drug buy bust ops sa bayan ng Kalibo

Published

on

By

TIMBOG ang isang construction worker matapos ikasa ng mga operatiba ang drug buy bust operation sa bayan ng Kalibo ngayong hapon.

Kinilala ang suspetsado na si John Kay Pallada alyas “Bugoy”, 42, at residente ng Sto. Niño Village, barangay Poblacion sa bayan ng Kalibo.

Nabilhan si Pallada ng isang sachet ng suspected shabu ng nagsilbing poseur-buyer kapalit ng buy bust money na P2,500.

Samantala, sa isinagawang body search sa suspek nakuha pa mula sa kanya ang dagdag na dalawang sachet ng suspected shabu, cellphone at pera.

Ayon naman kay PDEU-Aklan chief PMaj. Frency Andrade, mahigit isang buwan na rin nilang mino-monitor ang suspek bago ikinasa ang nasabing operasyon.

Aniya pa, nagpapatuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung saan at sino ang pinagkukuhanan nito ng illegal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP si Pallada at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022.|SM/RT