Connect with us

Aklan News

SABONG SA MGA BARANGAY SA KALIBO, TALAMAK PA RIN SA KABILA NG ECQ

Published

on

Kalibo, Aklan – Kinumpirma ni Kalibo PNP chief Pmaj. Belshazzar Villanoche na patuloy pa rin ang pagsasabong ng mga tao sa halos lahat ng barangay sa Kalibo sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pahayag ni Villanoche, namonitor nila ito ngunit hindi nila agad na nahuhuli ang mga sabungero dahil mabilis silang nakakatakas sa tuwing darating ang mga kapulisan.


Kahapon alas-2:30 ng hapon ay dalawang katao ang naaresto ng Kalibo PNP sa Brgy. Nalook, Kalibo, dahil sa paglabag ng Presidential Decree 449 o Illegal na pagsasabong at vilation sa ECQ.

Kinilala ang mga ito na sina Nilo Flaviano, 53 anyos at Juan Bugaso, 56 anyos, lahat mga residente ng Brgy. Briones, Kalibo.

Nakatakda nang i-inquest ang mga ito ngayong araw.

Samantala, nagbabala si Villanoche sa mga sabungero na itigil na nila ang pagsasabong dahil agad umano nilang kakasuhan ang sinumang madakip sa gagawing operasyon ng mga kapulisan.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *