Connect with us

Aklan News

PUSHER, TIKLO SA BUY BUST

Published

on

Numancia – Tiklo sa isang drug buy-bust ang isang drug pusher bandang alas 8:30 kaninang umaga sa Managbihon St., Poblacion, Numancia.

Sa ikinasang buy bust operation ng PDEU (Provincial Drug Enforcement Unit), naaresto ang suspek na si John Moises Ellorig, alyas ‘Mosi’, 18 anyos ng nasabing lugar.

Narekober din ang 2 sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P4,000.00 na buy bust money, maliban pa sa 4 na sachet ng nasabing droga na naka silid naman sa kaha ng sigarilyo ng suspek.

Ayon kay PLt. Col. Frensy Andrade, chief ng PDEU, mahigit 1 buwan din nilang sinubaybayan ang suspek bago nahulog sa kanilang mga kamay.

Kasunod nito, kaagad inaresto ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Numancia PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 1972 na isasampa laban sa kanya.

Mariin namang itinanggi ng suspek ang mga narekober na hinihinalang droga.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *