Connect with us

Aklan News

PAGBABAKUNA SA MGA BATANG 5-11 YEARS OLD SISIMULAN NG LGU KALIBO BAGO MATAPOS ANG PEBRERO

Published

on

COVID 19 Vaccine

Sisimulan na ng Local Government Unit (LGU) Kalibo ang pagbabakuna sa mga batang may edad limang taong gulang hanggang 11 years old bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Hernan Lawrence Laserna, Nurse II ng Municipal Health Office (MHO) Kalibo sinabi nito na hinihintay pa nila mula sa DOH-Regional Office ang listahan ng target population na babakunahan kontra sa COVID-19.

Saad pa ni Laserna na magsasagawa muna ng pilot roll out vaccination ang Provincial Health Office (PHO) Aklan sa darating na Pebrero 14.

Paalala ni Laserna sa mga magulang ng mga bata na may comorbidities na magpakita ng medical clearances at proof of relationship sa minors na babakunahan.

Samantala, nilinaw ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na hindi compulsory o mandatory ang pagbabakuna sa mga batang may edad 5 years old hanggang 11 years old gayundin na walang nilalabag na karapatan sa isinusulong ng pamahalaan na pagbabakuna sa mga bata.