Connect with us

Aklan News

MULTICAB, SUMALPOK SA TRUCK, 2 SUGATAN

Published

on

Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng bumangga ang isang multicab sa truck mag-aalas 5:00 kaninang umaga sa highway ng Lalab, Batan.

Bagama’t hindi na pinangalanan ng Batan PNP ang mga biktima, nabatid na hindi naman malubha ang mga sugat ng driver ng multicab at mismong may-ari nito, sa kabila ng matinding pinsala ng nasabing sasakyan.

Base sa imbistigasyon ng pulis, huminto sa gilid ng kalsada ang truck para sana umihi ang driver nito, nang salpukin sa likod ng multicab.

Sinasabing naipit pa ang dalawang biktima sa driver’s seat, sanhi ng pagkayupi ng uluhan ng kanilang sasakyan.

Kaagad namang dumating ang mga taga MDRRMO Batan at ginamot ang dalawa, habang nauwi naman sa areglo ang insidente.