Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, SUMALPOK SA KOTSE, RIDER AT ANGKAS SUGATAN

Published

on

Nagtamo ng mga gasgas sa katawan ang rider ng motorsiklo at kanyang angkas matapos aksidenteng bumangga sa isang kotse bandang alas 7:00 nitong umaga sa highway ng Estancia, Kalibo.
Base sa imbestigasyon, papunta sana sa Iloilo ang kotse na minamaneho ni Cris Jan Era Sayson, 22 anyos ng Andagao, Kalibo nang huminto ito sa gitna ng kalsada.
Ayon sa driver ng kotse, nag full stop siya para bigyang daan ang patawid na sasakyan galing sa Tinigao, subali’t aksidente namang nabangga sa likod ng nasabing motorsiklo na minamaneho ni Jayson Armenio, 26 anyos ng Dumaguit, New Washington.
Dahil dito, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo rason ng mga tinamong sugat ng driver na si Armenio at angkas nitong si Jonald Flaviano.
Kaagad ding rumesponde ang mga reacuers sa lugar at binigyan ng pangunang lunas ang dalawa na tumanggi nang magpadala sa ospital. Samantala, sa Kalibo PNP Station naman nagkaharap ang dalawang panig para sa isang kasunduan.
Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *