Connect with us

Aklan News

6 NA INDIBIDWAL, ARESTADO SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

By

NAHULI sa aktong naglalaro ng bulo-bulo o ilegal na sabong ang anim na mga indibidwal sa Sitio Malabunot, Brgy. Manocmanoc, Boracay kahapon.

Kinilala ang mga naarestong sina Ramos Francisco, 56 anyos; Ronald Nadura, 44 anyos; Kevin Bernardo, 25 anyos; Sundian Taytay, 48 anyos; Pedro Casimero, 36 anyos at Janno Palacio, 32 anyos, lahat mga residente ng nabanggit na lugar.

Naaresto ang mga ito sa ikinasang operasyon laban sa illegal na sugal ng Malay PNP dakong ala-12:20.

Narekober ng mga kapulisan mula sa mga naaresto ang P670 na taya, 2 patay na manok at 6 na buhay.

Nakatakdang i-inquest ngayong araw ang mga akusado na mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 in relation to PD 449 o Illegal Cockfighting Law.