Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, NABANGGA NG TRUCK, 2 SUGATAN

Published

on

Banga – Confined pa ngayon sa ospital ang 2 lalaki matapos mabangga ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo alas 11:40 kaninang tanghali sa Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina R-Jay Francisco, 27 anyos ng Linabuan Norte, Kalibo na siyang driver ng motorsiklo, at angkas nitong si John Harvey Flores, 26 anyos ng Poblacion, Kalibo, habang nakilala naman ang driver ng nasabing truck na si Arnel Zolina, 39 anyos ng Andagao, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, papuntang Kalibo ang dalawa nang bigla umanong lumiko pakaliwa ang truck, rason na tinumbok nito ang nasabing motorsiklo.

Sanhi nito, sumemplang silang dalawa sa kalsada at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Kaagad silang dinala sa ospital, habang tutulong naman umano sa gastusin-medikal ang panig ng nakabanggang truck.