Connect with us

Aklan News

53 NEW CASES NG COVID-19, NAITALA SA AKLAN, ACTIVE CASES, SUMAMPA NA SA 762

Published

on

Larawan mula sa DOH Region 6 FB Page

Karagdagang 53 new cases ng CoViD-19 ang naitala sa probinsya ng Aklan ngayong araw, dahilan ng pagsampa naman sa 762 active cases sa probinsya.

Nanguna ang bayan ng Nabas sa may pinakamaraming bagong kaso na 28, New Washington – 7, tig 6 ang Ibajay at Numancia, Makato – 2 at tig iisa ang mga bayan ng Batan, Kalibo, Libacao at Tangalan.

Umakyat naman sa 2,305 ang total recoveries matapos madagdagan ng 11 na gumaling sa sakit. Samantala, napako naman sa 74 ang total death dahil walang naitala ngayong araw.

Sa kabuuan, may 3,141 total confirmed cases na ang probinsya ng Aklan.