Connect with us

Aklan News

5 KALABOSO DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Numancia – Kalaboso ang inabot ng 5 mga sugarol matapos mahuli sa akto ng mga otoridad na nagsusugal sa alas 6:20 nitong gabi sa Camanci Norte, Numancia.

Nakilala ang mga naarestong sina Anton Von Hepolio, 25 anyos ng Bubog, Numancia; Marchel Suante, 28 anyos ng Old Buswang, Kalibo; Honeylet Pioquid, 39 anyos ng Andagao, Kalibo; Violeta Rotano, 57 anyos at Michelle Autencio, sa legal na edad kapwa residente ng Camanci Norte, Numancia.

Sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Numancia PNP, huli sa akto ang mga suspek habang naglalaro ng Pusoy kung saan narekober ang 1-set ng baraha, 1 plastic na mesa, 5 upuan at kabuuang P5, 707.00 na pera.

Matapos maaresto, pansamantala silang ikinustodiya sa Numancia PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Nakatakda naman silang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Anti Illegal Gambling Law.