Connect with us

Aklan News

Motorsiklo at ilang mga gamit na may dugo, natagpuang nakasabit sa may gravity screen sa may Aklan River

Published

on

By

Isang motorsiklo at ilang mga gamit na may dugo na nakasabit sa may gravity screen o “ayagan” ang natagpuan ng mga residente sa sa tabi ng Aklan River sa Brgy. Tinigaw, Kalibo ngayong umaga.

Nagbunga ito ng ilang mga haka-haka dahil pawang motorsiklo lamang at mga gamit na may bakas ng dugo ang naroon ngunit wala na ang may-ari.

Samantala, habang nangungusisa ang mga residente at Brgy. Officials sa lugar ay dumating ang mga kapulisan na naghahanap ng motorsiklo at mga gamit ng isang lalaking na naka-confine ngayon sa isang pribadong ospital sa Kalibo.

Kinumpirma nila na ang motor at mga gamit na natagpuan ay pagmamay-ari ng nasabing lalaki.

Lumalabas sa imbestigasyon na lasing umano ang nasabing motorista at mula ito sa isang event na ginanap sa Evergreen Resort at pauwi na sana sa Poblacion Kalibo.

Posibleng nagkamali umano ito ng direksyon at dumiretso sa may Aklan River dahil sa kalasingan.

Hindi na umano matandaan ng biktima ang nangyari basta’t nagcommute lang ito at umuwi sa kanilang bahay dakong ala-1:30 ng madaling-araw at doon na napansin ng kaniyang pamilya ang malaki nitong pasa at mga sugat.

Sa ngayon ay nakuha na ng mga kaanak nito ang mga gamit ng biktima at nagpapagaling na ito sa ospital.