Connect with us

Aklan News

Lalaking may sakit na epilepsy natagpuang patay sa sapa

Published

on

By

Patay na nang matagpuan ang isang lalaking may sakit na epelipsy kaninang madaling araw sa Brgy. Sta. Cruz, Lezo.

Kinilala ni PLt. Jover Ponghon, OIC ng Lezo PNP ang biktimang si Ernesto Patricio, 27 anyos na residente ng nabanggit na barangay.

Ayon kay Ponghon, umalis dakong alas-10:00 ng umaga kahapon ang biktima sa kanila at hindi na nakauwi hanggang sa gumabi.

Nag-alala na ang kanyang pamilya at hinanap ang biktima hanggang sa natagpuan na lamang itong nakatihaya at wala ng buhay kaninang alas-12:25 ng madaling araw sa isang swamp area na may 50 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Posible umanong inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang biktima.

Isinailalaim na sa post mortem examination ang bangkay nito bagamat naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang foul play na nangyari sa pagkamatay nito.