Connect with us

Aklan News

Motoristang menor-de-edad at jowa nito, sugatan nang makabangga ang isa pang motor

Published

on

By

Sugatan ang isang menor-de-edad na rider at jowa nito sa banggaan ng dalawang motorsiklo pasado alas-6 kagabi sa may Linabuan Norte, Kalibo.

Napag-alaman na 15-anyos ang rider ng isang motorsiklo at menor-de-edad rin ang jowa nitong angkas na kapwa residente ng nasabing lugar.

Habang paliko umano ang nasabing menor-de-edad sa may Sitio Tampugaling mula sa Linabuan Sur ay aksidente nilang nakasalpukan ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Alex Mark Orbista, 29-anyos residente ng Brgy. Jumarap, Banga na galing naman sa Linabuan Sur papuntang Brgy. Tigayon.

Dahil dito, nagtamo ang dalawang motorista pati na rin ang isang angkas ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan na dinala agad sa Aklan Provincial Hospital.

Samantala, nagkaroon din ng ilang mga gasgas ang dalawang mga motorsiklong sangkot sa nasabing aksidente.

Sa ngayon ay naka record na ito sa Kalibo PNP para sa karampatang disposisyon.