Connect with us

Aklan News

Lalaking napagkamalang unggoy, nabaril ng shotgun ng kanyang tiyuhin

Published

on

By

Nabaril ng kanyang sariling tiyuhin ang isang lalaki matapos itong mapagkamalang unggoy sa Brgy. Tagaroroc, Nabas.

Kinilala ang biktimang si John Felix Bernabe, 22 anyos habang nakilala naman ang suspek na si Anecito Francisco, 42 anyos ng Tagaroroc at ang kasama nitong si Bobby Columbres, 47 anyos na taga Unidos, Nabas.

Batay sa Nabas PNP, nangyari ang insidente kahapon, Nobyembre 1, habang nasa bundok ang biktima.

Masukal umano ang lugar kaya napagkamalan ng kaniyang tiyuhin na isang unggoy ang biktima kaya siya binaril gamit ang isang homemade shotgun.

Napag-alaman na buhok lang ang nakita ng suspek nang barilin nito ang biktima.

Dinala sa ospital ang biktima at patuloy pang nagpapagaling habang nakakulong naman ngayon ang tiyuhin at kasamahan nito sa Nabas PNP station para sa kaukulang disposisyon.