Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, SUGATAN MATAPOS SUMALPOK SA VAN

Published

on

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos sumalpok sa isang pampasaherong van alas 9:43 kaninang umaga sa intersection ng Pobalacion, Makato at Dumga, Makato.

Nakilala ang biktimang si Niño Beltran, 21 anyos ng Tigayon, Kalibo, habang nakilala rin ang driver ng nasabing van na si Ernesto Juares, 71 anyos ng Poblacion, Lezo.


Base sa imbrstigasyon ng Makato PNP, papuntang Tangalan si Beltran dahil inutusan umano siya ng kanyang kapatid na i-break-in ang kanilang motorsiklo.

Subali’t aksidente umano itong bumangga sa van na lumiko sa bahagi ng intersection galing Caticlan papuntang Kalibo.

Dahilan upang sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat sa katawan ng biktima.

Kaagad naman siyang dinala sa ospital kung saan siya ginagamot sa ngayon.

Nasa Makato PNP Station naman ang driver ng van at nakikipag-usap sa pamilya ng naaksidenteng si Beltran para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *