Connect with us

Aklan News

Boracay planong buksan sa domestic tourist ngayong Oktubre sa gitna ng pandemya

Published

on

Image|© boracayphotographer IG

DOMESTIC tourist lang muna ang papayagang makapasok sa isla ng Boracay sa planong pagbubukas nito ngayong Oktubre sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Elena Brugger ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Boracay, bubuksan ang domestic tourism para makaahon ang ekonomiya at makapagsimula na ulit ang livelihood pati na ang mga resort at restaurants na nabigyan na ng accreditation ng Department of Tourism (DOT).


Dagdag pa ni Brugger, importante pa rin ang kaligtasan ng komunidad at ng mga turista, aniya “The direction is to reopen to keep our economy moving but to keep sa mind ang safety ng community at tourists.”

Paliwanag nito, nagtulungan ang LGU Malay, probinsya at grupo ng mga stakeholders na bumuo ng alliance group para hindi magkaroon ng miscommunication sa kanilang planong pagbukas.

Binubuo ang nasabing alliance group ng 8 components mula sa airport, jettyport, security at maging ang marketing.

Kaugnay nito, tinatapos na nila ang manual kung saan nakasaad ang protocols at guidelines na magiging basehan ng safety and health protocols sa pagbukas ng isla na kailangan pang dumaan kay Governor Florencio Miraflores at sa Boracay Inter-Agency Task Force.

Posibleng buksan aniya ang Boracay sa domestic tourist sa October 1 at December 1 naman para sa international tourist.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.