Connect with us

Aklan News

Misis, na-ospital matapos tumalsik sa sinasakyang motor

Published

on

SUGATAN ang mag-asawang nakamotorsiklo matapos madisgrasya kagabi bandang 7:20 sa Brgy. Argao, Malay.

Nakilala ang driver ng motor na si Edwin Flores, 34 anyos.

Samantala nakilala naman ang backrider nitong si Mylene Flores, 30 anyos pawang residente ng Brgy. Nabaoy,Malay.

Base sa salaysay ng misis, pauwi na sila galing sa trabaho nito nang mabanggaan sila ng kasunod na motorsiklo pagdating sa nasabing lugar dahilan ng kanyang pagtalsik mula sa motrosiklo.

Mabilis na isinugod sa Malay Hospital ang mga biktima dahil sa tinamong pinsala sa ulo at gasgas sa ibat-ibang parte ng katawan.

Agad din siyang inilipat sa Aklan Provincial Hospital si Mylene para sa masusing medikasyon.

Samantala ni-refer naman sa Out Patient Department ang mister nito.