Connect with us

Aklan News

Motorsiklong naglock ang manibela, bumangga sa kahoy, driver patay

Published

on

Photo| Kenh Jae Resurreccion

Patay ang isang street vendor matapos umanong bumangga ang motorsiklo sa kahoy bandang alas 10:20 kahapon sa Cawayan, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Rizaldo Olog, 46 anyos ng Ipil, Batan, at ang angkas nitong dinala din sa ospital na si Romeo Indab, 50 anyos ng Pook, Kalibo.

Base sa report ng New Washington PNP, nagmomotorsiklo ang dalawa papunta sana sa kasal ng kanilang kamag-anak nang mangyari ang insidente.

Nag-overtake umano sila sa isang sasakyan, subalit sinasabing naglock ang manibela ng motorsiklo, rason na hindi na sila nakabalik sa lugar at bumangga sa kahoy.

Dahil dito, nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan ang driver at hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Base pa sa report, naka helmet naman ang driver, subalit pinatanggal umano niya ito sa kanyang angkas dahil naiinitan umano ito.