Connect with us

Aklan News

INA NG SANGGOL NA NAKITANG PATAY SA ILOG, TUKOY NA

Published

on

Natukoy na ng mga pulis ang ina ng sanggol na natagpuang patay sa ilog ng Lalab, Batan nitong nakaraang Miyerkules.

Ayon kay PSSGT. Jessie Lauz ng Batan PNP, nakuha nila ang ina ng bata sa bahay ng kanyang lola sa Bay-ang, Batan bandang alas 11:30 kaninang umaga.


Subalit ayon kay Lauz, ibinalik muna nila sa kustodiya ng kanyang mga magulang ang ina ng bata matapos itong ipa medical at habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Base umano sa rebelasyon ng ina sa pulis, ipinanganak niya ang sanggol alas 10:00 ng gabi nitong nakaraang Martes.

Subalit nagtaka umano ito nang mapansing hindi umiyak ang sanggol kung kaya’t sinubukan niya itong i-revive.

Kinalaunan, nagdesisyon na umano siyang putulin ang pusod ng bata gamit ang gunting, saka niya ito isinilid sa plastic bag at ipinaanod sa ilog.

Napag-alaman na inilihim ng babae sa kanyang mga magulang ang kanyang pagbubuntis, sa kadahilanang ayaw ng kanyang mga ito sa ama ng bata, na iba pa sa ama ng kambal niyang mga anak na lalaki ngayon.

Nagkahiwalay umano ang ina ng bata at kasintahan nitong taga Batan din na siyang ama ng kambal, hanggang sa makarelasyon niya ang taga Capiz na ama ng namatay na sanggol.

Nabatid na ang mag-iina lang at kambal ang magkasama noon sa bahay nang ipinanganak niya ang sanggol, doon din sa tirahan ng kanyang mga magulang na nagtatrabaho bilang mga bantay sa palaisdaan sa Lalab, Batan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *