Connect with us

Aklan News

LUGMOK NA EKONOMIYA NG BORACAY, SINISI NI OPAV ASEC GONZALES SA AKLAN PROV. GOV’T

Published

on

Sinisi ni Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) Assistant Secretary Jonji Gonzales ang paglugmok ng ekonomiya ng Boracay sa gobyerno probinsyal.

Sa kanyang Facebook post, sinabi nito na hindi nagsagawa ng community response gobyerno probinsyal marahil dahil sa matrabaho ito at mas madali ang pagpapatupad ng strict border control o lockdown.

“Part of the culprit, the province have not instituted community response either because it’s more hard work and strict border control or lockdown are easier to implement,” saad ni Gonzales.

Nitong linggo, bumisita si Gonzales sa Boracay para sa culminating activity ng Visayas Vaccination Manual sa implementasyon ng community vaccination program sa mga rehiyon sa Visayas at hindi diumano nagpakita sa kanila si Governor Florencio Miraflores.

Humiling ang mga taga LGU ng Boracay at business sector na makipagkita sa kanila para pag-usapan ang pagbukas ng ekonomiya, COVID-19 response at community vaccination dahil sa sobrang kahirapan.

Bago nito, bumisita rin si Gonzales sa probinsya nitong November 2020 pero tumanggi umanong makipagkita sa kanila si Gov Miraflores. Nagdala umano sila noon ng mga COVID-19 experts para makatulong sa covid response sa isla pero hindi nagpakita ang gobernador.

Napag-alaman nito na simula March 2020 hanggang April 2021, mayroong 11 naitalang insidente ng suicide sa isla, samantalang isa lang ang COVID-19 death.

Nasa P100 million rin ang nawawalang kita ng isla sa kada araw nang magsimula ang pandemya.

Karamihan sa mga hotels at resort ay nagsarado. Bumaba na rin ang workforce sa mga nagbubukas na hotel. Nagmukha na aniyang ghost town ang isla at tumataas na rin ang krimen, “One hotel reduced workforce from 200 to 26. Most of their hotels and resorts are closed. The island is like a ghost town. Criminality is rising.”

Matumal pa rin ang turistang bumibisita sa isla lalo na ngayong naka MECQ ang NCR plus at hindi rin abot kaya para sa mga lokal na turista ang pagkuha ng negative RT-PCR results.

Pero ayon kay Gonzales, “It’s not as if it can’t be done.”

Pinuri nito ang mga probinsya ng Cebu, Iloilo, at Guimaras.

Patuloy ang pagbangon ng turismo Cebu at bumalik na ang operasyon ng hotels at resorts.

Gayundin ang Bantayan at Camotes islands na dinarayo na ng mga local at domestic tourist.

“As long as LGUs put up community response to catch covid in the barangays. As long as proper systems and processes are in place. As long as there’s an (emergency operations center) EOC. Living with COVID is not impossible.”

“Gising mga LGUs. You have a big part to play in beating COVID,” giit pa ni Gonzales.