Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL NA BIGLANG TUMAWID SA KALSADA, SINALPOK NG RORO BUS; NAKAPARADANG MOTORSIKLO, NADAMAY

Published

on

Makato – Tatlo ang isinugod sa ospital matapos aksidenteng mabangga ng RORO Bus ang isang traysikel alas 10:35 kaninang umaga sa Dumga, Makato.

Ayon sa Makato PNP, pawang menor de edad ang nasa traysikel kung saan nabatid na 17 anyos lamang ang driver habang 13 anyos ang kanyang kapatid at 15 anyos ang kanilang kasamang pinsan, na pawang mga taga Agbago, Ibajay.

Nakilala naman ang mag-asawang nadamay sa aksidente na sina Ramy at Jibe De Ramos ng Calimbajan, Makato, at ang driver ng bus na si Jay Sajonia, 35 anyos ng Budiawe, Badiangan, Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng Makato PNP, biglang tumawid ang traysikel na hindi man lamang sumi-signal, rason na nabangga ng bus na galing Manila patungong Estancia, Iloilo.

Maliban dito, sinasabing tumilapon ang mga sakay ng traysikel, bago naman tumama sa nakaparadang motorsiklo ng mag-asawa.

Kaagad namang isinugod sa ospital ang mga biktima, subalit agad inilabas ang mag-asawa dahil hindi naman malubha ang tinamo nilang pinsala.

Ayon naman sa driver ng bus, binusinahan na umano niya ang traysikel ng ilang beses, subalit dere-derecho parin ang mga ito.

Sinubukan pa umano ng driver na iwasan ang traysikel, subalit aksidente parin niya itong nasapol.

Samantala, kasalukuyan namang nasa himpilan ng Makato PNP ang magkabilang panig maliban sa mga sakay ng traysikel.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *