Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA, NAAKSIDENTE

Published

on

Naaksidente sa motorsiklo matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang isang lasing bandang alas 9:15 kagabi sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Renato Flaviano, 37 anyos ng Estancia, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo papunta sanang J. Cardinal Sin Avenue si Flaviano, subalit aksidente umano itong bumangga sa bakod na kawayan matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho dahil sa labis na kalasingan.

Mapalad namang hindi nasugatan ang biktima, subalit pansamantalang  ikinustodiya sa Kalibo PNP Station dahil sa paglabag nito sa ipinapatupad na Covid 19 Curfew.

Nabatid na galing sa isang inuman ang biktima at mabilis din umano ang pagpapatakbo ng motorsiklo nito nang mangyari ang insidente.