Connect with us

Aklan News

LASING, KALABOSO SA PAGDADALA NG PATALIM

Published

on

Bawal na Patalim

Malinao – Kalaboso ang isang lasing dahil umano sa ilegal na pagdadala ng patalim kagabi sa San Dimas, Malinao.

Nakilala ang suspek na si Dolphy Tenorio, 46 anyos ng San Roque, Malinao.

Base sa report, bandang alas 7:30 kagabi habang nagpapatrolya ang mga pulis, nang maispatan nila si Tenorio na naglalakad sa kalsada.

Dagdag pa nito, nakita umano ng mga pulis na may itak sa likod ng suspek at kutsilyo naman sa kanang baywang nito, rason na kaagad nila siyang dinala sa presinto.

Nabatid na 27 pulgada ang haba ng itak, habang 17 pulgada naman ang haba ng kutsilyo.

Kasong paglabag sa BP 6 o Illegal Possession of Bladed Weapon ang isinampa ng Malinao PNP laban kay Tenorio.