Connect with us

Aklan News

Magasasaka, pinagbabaril-patay ng kanyang pinsan sa Malinao

Published

on

By

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang pinsan alas-10 kagabi sa Brgy. Bulabod, Malinao.

Kinilala ang biktimang si Edward Quinisio, 47 anyos, residente ng Sitio Eangangae, Barangay Bulabod, Malinao.

Habang ang suspek naman ay kinilalang si Honorato Quinisio, 45 anyos, kapwa residente ng lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Malinao PNP, nakaupo lang ang biktima sa bahay ng kanyang pinsan nang biglang dumatinga ang lango sa alak na suspek at walang habas na pinagbabaril ang biktima ng tatlong beses sa dibdib.

Agad na dinala ang biktima sa ospital pero binawian din ito ng buhay habang ang suspek naman ay nahuli ng mga kapulisan.

Ayon sa hepe ng Malinao PNP na si PCPT. Gelbert Batiles, nagkaroon ng alitan ang nakababatang kapatid ng biktima at ang suspek.

Dati na rin umanong pinagtangkaan ng suspek ang buhay ng kanyang kapatid kaya ito lumuwas pa Manila.

Posible aniya na si Edward ang napagbuntungan ng suspek kaya niya ito binaril.

“Base sa inisyal naton nga nabuoe nga information hay owa mat-a sanda it gin-awayan raya nga biktima ag suspek. Kundi ro suspek ngara ag ro igmanghud ngara it biktima bangod sa may dating alitan, medyo nabalingan eat-a ra it akig it bu-ot rondaya ngara nga si Edwardo ag imaw ta ro naging biktima it raya nga krimen,” saad pa ng hepe.

Kasong murder ang kahaharapin ng suspek na kasalukuyang nakakulong sa Malinao PNP.