Connect with us

Aklan News

ISA PATAY, ISA SUGATAN, MATAPOS MASAKSAK NG TANOD

Published

on

ISA PATAY, ISA SUGATAN, MATAPOS MASAKSAK NG TANOD

New Washington – Patay ang isang 17 anyos habang sugatan naman ang tiyo nito matapos saksakin ng isang brgy. Tanod kagabi sa Brgy. Mataphao, New Washington.

Nakilala ang sugatan na si Reian Rencio, sa legal na edad samantala ang namatay na pamangkin nito ay nakilalang si Angelo Rencio.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo kay Reian, pauwi na sila kagabi galing sa isang lamay at nakasabay umano nila sa pag uwi ang tanod na suspek na si Ruben Dayal, na ayon kay Reian ay lasing. Habang nasa daan umano sila may mga sinasabi umanong masasakit na salita ang suspek na ikinagalit naman ng pamangkin niya na si Angelo dahilan upang suntukin nito ang tanod.

biktima new washington aklan

Bigla umanong bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak si Angelo sa dibdib na ikinamatay nito, nang tangka umano niya itong awatin siya naman ang inundayan ng saksak at tinamaan sa ilalim ng kanyang kilikili.

Mabuti na lang umano at may nakahingi ng tulong sa mga tao sa lamay at pinagtulungan diumano na bugbugin ang suspek na tanod.

Nadala pa sa ospital ang menor de edad, subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Samantala, ayon naman sa pahayag ng suspek, galing siya sa duty kagabi sa border control sa kanilang brgy at pauwi na umano siya ng inabangan siya ng mga biktima at binugbog. Bigla umano niyang naalala na may dala siyang kutsilyo at yon ang ginamit nya sa pananaksak sa mga biktima.

Pinasinungalingan din nito ang alegasyon na lasing siya kagabi ng mangyari ang kremin.

Sa ngayon naka hospital arrest si Dayal matapos sa natamo rin nitong mga sugat sa pambubogbog.

Inihahanda naman ng New Washington PNP ang kasong isasampa laban sa nasabing suspetsado.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *