Connect with us

Aklan News

TOP 7 MOST WANTED SA VICTORIAS MPS, NAARESTO SA BORACAY

Published

on

Boracay-Kalaboso ang isang construction worker na Top 7 most Wanted sa Victoria’s City MPS sa kasong Murder.

Nakilala ang akusadong si Rolando Magbanua, 52 anyos, na taga Victoria’s City Negros Occ.

Naaresto ng Malay PNP ang akusado mga dakong 9:30 kagabi sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag Boracay sa bisa ng kanyang Warrant of Arrest na may criminal case # 12953-40 sa kasong Murder na inisyo ni Hon. Dyna Doll Chiongson-Trocio, Presiding Judge RTC Branch 40 6th Judicial Region Silay City Negros Occ. noong April 19, 2021.

Walang pyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay pansamantala pang nakakulong sa Malay PNP ang nasabing akusado at nakatakdang e turn over sa nasabing korte.