Connect with us

Aklan News

PCCI- AKLAN CHAPTER, NAG-APELA NG DAGDAG NA ALOKASYON NG BAKUNA PARA SA AKLAN

Published

on

Dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 cases sa probinsya ng Aklan, nag-apela ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – Aklan Chapter (PCCI-Aklan) sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) ng dagdag na alokasyon ng bakuna.

Ayon sa sulat ng PCCI-Aklan sa RIATF, labis na naaapektuhan ng pandemyang dala ng COVID-19 ang probinsya ng Aklan isa sa mga pangunahing tourism destination sa bansa.

Nakahanda umano ang gobyerno probinsyal at local government unit ng Kalibo sa pagbabakuna sakaling magkaroon na ng available vaccines.

Ang bayan ng Kalibo ang kabisera ng Aklan at sentro ng komersyo at political activities sa probinsya. Dito rin makikita ang Kalibo International Airport na inaasahang tatanggap ng mga turista mula sa labas ng bansa.

Batay sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit ng Provincial Health Office, mayroong 793 active cases ngayon ang probinsya, 76 COVID-19 deaths at 2,442 na mga recoveries

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *