Connect with us

Aklan News

LALAKING WANTED SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE, ARESTADO

Published

on

Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical injury alas 6:30 kagabi sa Sebaste, Antique.

Nakilala ang akusadong si Carlito Serrano, 60 anyos ng nasabing lugar.

Isinilbi ng Altavas PNP kay Serrano ang kanyang warrant of arrest na may Criminal Case No.15853, na ibinaba ni Hon.Bienbenido P.Barrios Jr., Presiding Judge RTC Branch 3, 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan nito lamang nakaraang Lunes, September 20, 2021.

Kasunod nito, pansamantala siyang ikinostodiya ng Altavas PNP, subali’t pansamantala namang makakalaya kapag nakapagpiyansa ng P6,000.00.

Samantala, nabatid na kusang sumuko noon sa Altavas PNP si Serrano matapos aksidenteng mabangga ang isang 7 taong gulang na bata sa Man-up, Altavas nito lamang nakaraang March 27, 2021.

Nabatid pa sa imbestigasyon na mabilis umano noon ang pagmamaneho ni Serrano ng Nissan Urvan kung kaya’t nasapol nito ang nasabing bata na tatawid sana ng kalsada.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *