Connect with us

Aklan News

Top 1 most wanted person sa Altavas, dakip!

Published

on

By

Photo Courtesy: Altavas PNP/ Facebook Page

Nadakip ang ang isang lalaking may kasong Lascivious Conduct at Top 1 most wanted ng Altavas Police Station kahapon, Hulyo 1.

Kinilala ang naarestong si Richard Esposo Benedicto, 38 anyos na taga Altavas.

Batay sa press release ng Altavas PNP, hapon nang Biyernes nang mahuli ng pinagsanib na puwersa ng PNP Operatives, Regional Intelligence Unit/Provincial Intelligence Team at Aklan Provincial Intelligence Unit si Benedicto.

Ayon kay Altavas MPS PLT Ryan Batadlan, may standing warrant of arrest si Benedicto sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec 5 ng RA 7610 na ibinaba ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge ng RTC 3 Kalibo, Aklan.

Nasa P200,000 ang piyansang itinakda para sa kanyang pansamantalang kalayaan.