Connect with us

Aklan News

2 WANTED SA KASONG FRUSTRATED HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Arestado ang dalawang lalaking wanted sa kasong Frustrated Homicide sa magkahiwalay na Oplan Pagtugis Operation ng Banga PNP.

Base sa report, magkasunod na naaresto si Allen Dela Cruz, 61 anyos ng Linabuan Sur, Banga, at Roel Placido, 26 anyos ng Mambog, Banga, kung saan isinilbi sa kanila ang warrant of arrest na may Criminal Case No.15915 na ibinaba kahapon lamang, September 16, 2021 ni Hon.Nelson Jiz Bartolome, Presiding Judge, RTC, 6th Judicial Region, Branch 8, Kalibo, Aklan.


Todo Media Magazine

Pansamantala silang nasa kustodiya ng Banga PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Kung magugunita, sina Allen Dela Cruz at Roel Placido ang itinuturong suspek sa pamamaril at pananaga, gabi ng January 19, 2021 sa San Isidro, Banga sa biktimang si Joselito Mallari, 58 anyos ng nasabing lugar, dahil umano sa away sa lupa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *