Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, ARESTADO

Published

on

Matapos ang 5 taong pagtatago sa batas, nasa kamay na ngayon ng mga otoridad ang isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa na naaresto sa Aparicio, Ibajay.

Nakilala ang akusadong si Jonnel Pelayo, 48 anyos ng nasabing lugar na sinilbihan ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon.Ulysses D.Delgado, Executive/Presiding Judge 4th Judicial Region, RTC Br.44, Mamburao, Occ.Mindoro noon pang August 22, 2016.


Todo Media Magazine

Maliban sa nasabing krimen, nabatid na may kaso ring Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 (pambabastos) si Pelayo na isinilbi din sa kanya ng mga pulis.

Kaugnay pa nito, rekomendado naman ng korte ang halagang P180,000.00 na piyansa para kanyang pansamantalang kalayaan, subali’t walang inirekomendang piyansa para kanyang kasong rape.

Nabatid na naaresto si Pelayo ng mga taga Ibajay PNP, 2nd Aklan Mobile Company, Mindoro Provincial Police Office at pansamantalang nasa kostodiya ng Ibajay PNP para sa karampatang disposisyon.

Kinumpirma naman Ibajay PNP na nagawa umano ng akusado ang mga nasabing krimen sa lalawigan ng Mindoro.