Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG RAPE SA BALETE, NALAMBAT SA QC

Published

on

Balete – Tiklo sa joint operation ng mga pulis ang isang lalaking wanted sa kasong rape o panggagahasa sa bayan ng Balete.

Sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape, (Criminal Case No.7160 at 7162), naaresto ang akusadong si Rufino Quindong, alyas Raffy Concepcion, sa legal na edad, tubong Aranas, Balete at kasalukuyang residente ng Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City.

Base pa sa report, ibinaba ni Hon. Judge Sheila Martelino Cortes, RTC 6th Judicial Region Branch 3, Kalibo, Aklan ang kanyang mandamyento de aresto noon pang June 28, 2004.

Matapos maaresto bandang alas 9:00 nitong umaga sa Tandang Sora, Quezon City, pansamantala namang ikinustodiya ng Quezon City PNP si Quindong para sa karampatang disposisyon, subalit walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Napag-alamang nasa Rank No.6 ng Aklan PPO-Provincial Most Wanted Person ang naarestong si Quindong.