Connect with us

Aklan News

Lalaki, sinaksak sa ulo ng basag na bote sa sayawan

Published

on

By

Nagtamo ng malaking sugat sa ulo ang isang 33 anyos na lalaki matapos na masaksak sa ulo kaninang madaling araw sa Alimbo Baybay, Nabas, Aklan.

Kinilala nag biktimang si Orlly Diaz na residente ng Brgy. Buenasuerte sa nabangit na bayan.

Batay sa ulat, pumunta ang biktima kasama ang kapatid sa sayawan sa Brgy. Alimbo Baybay.

Pauwi na sana ang mga ito kaninang madaling araw nang makursunadahan ng di kilalang suspek paglabas ng sayawan at sinaksak sa ulo gamit ang basag na bote.

Iniimbestigahan na ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng suspek habang ang biktima naman ay kasalukuyang nagpapagaling sa Aklan Provincial Hospital.