Connect with us

Aklan News

Kotse, wasak matapos bumangga sa center island sa D. Maagma St., Poblacion, Kalibo

Published

on

By

Wasak ang harapan ng isang Toyota Revo matapos sumalpok sa center island sa D. Maagma St., Poblacion, Kalibo kaninang alas-3:26 ng madaling araw.

Kinilala ang driver ng kotse na si Rainer Buyoc, 43 anyos, residente ng Laguinbanwa East, Numancia.

Batay sa ulat, mula sa direksyon ng Crossing Banga ang biktima papunta sa Mabini St. nang aksidente nitong masalpok ang center island.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harapan ng kotse pati na ang center island,

Nagkalat din sa kalsada ang mga basag na bubog mula sa salamin ng sasakyan na nilinis ng mga taga BFP Kalibo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *