Connect with us

Aklan News

HAIRSTYLIST SA BORACAY ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPS

Published

on

HAIRSTYLIST SA BORACAY ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPS

Arestado ang isang hairstylist sa isla ng Boracay sa ikinasang drug buy bust operation ng Malay Police Station alas-11:15 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Wiwi Alidon, 34-anyos tubong Cebu at pansamantalang nakatira sa Sitio Tulobhan, Barangay Manocmanoc, Malay, Aklan.

Narekober kay Alidon ang anim na plastic ng hinihinalang shabu, tatlong bala ng 9mm na baril at P500 pesos na buy-bust money.

Ayon kay PLt. Joven Vega, Team Leader ng Malay PNP, mula ng muling buksan ang isla ng Boracay sa gitna ng pandemya nakatanggap sila ng impormasyon na si Alidon ay kasali sa mga transaksyon na may kinalaman sa illegal na droga.

Dahil dito, sinubaybayan nila si Alidon hanggang sa nabilhan ito ng isang pakete ng suspected shabu kapalit ng P500 pesos na buy-bust money sa ikinasang operasyon ng mga otoridad.

Pahayag pa ni PLt. Vega ang naturang suspek ay nagtutulak ng illegal na droga subalit mariin naman itong pinabulaanan ni Alidon.

Sa ngayon ay ikinostudiya ng Malay PNP si Alidon para sa karampatang disposisyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.