Connect with us

Aklan News

26 ANYOS NA LALAKI, TIKLO SA DRUG BUY-BUST OPS

Published

on

Kalibo – Tiklo sa isinagawang drug buy-bust operation ang isang 26 anyos na lalaki na ikinasa ng PDEA, PDEU at Kalibo PNP kaninang mag-a-alas 4 ng hapon sa harap ng Torres-Oliva Bldg. sa Vizcarra Subd., Brgy. Andagao, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Lowie Jay Pastrana, walang trabaho at residente din ng nasabing lugar.

Nakuha sa posisyon ni Pastrana ang isang malaki at isang maliit na plastic sachet na may lamang pinaniniwalang tuyong dahon ng marijuana, P6,750 na cash kasama na ang marked money at ID.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek ng tanungin ng Radyo Todo.

Pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP station at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *