Connect with us

Aklan News

DAHIL SA PANGBIBINTANG, LASING TINAGA NG DATING NAKAALITAN

Published

on

Makikita sa larawan ang suspek na si Dante Baroquillo.

Confined ngayon sa ospital ang isang lasing matapos tagain dakong alas 8:00 kagabi sa Mataphao, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Antonio Retiro, 49 anyos, habang naaresto naman ang suspek na si Dante Baroquillo, 40 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng New Washington PNP, nagkita umano sa daan ang dalawa na kapwa nasa impluwensiya ng alak at nagtalo.

Doon na rin umano tinaga ng suspek ang biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang kaagad namang nadakip ang suspek.

Samantala, sa panayam ng Radyo Todo sa suspek, aminado naman ito na tinaga niya ang biktima.

Ayon sa kanya, pauwi na siya noon nang makasalubong ang biktima kung saan sinumbatan at idiniin na tinaga nito ang alagang baka ng kanyang kapatid.

Dahil dito, umuwi umano ang suspek at kumuha ng patalim at pinagtataga ang biktima.

Narekober naman ng mga pulis ang itak na ginamit ng suspek sa pananaga.