Connect with us

Aklan News

Dahil sa dating alitan, binatilyo sinaksak ng senior citizen

Published

on

Nagtamo ng saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan ang isang binatilyo matapos saksakin ng senior citizen sa Poblacion, Libacao kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktima na si James Rata, 20 anyos ng Poblacion, Libacao, samantala nakilala naman ang suspek na si Rogel Gervacio na nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Libacao Pnp, unang nagkaroon ng komosyon ang dalawa sa loob mismo ng sabungan hanggang sa tumakbo ang biktima pero hinabol ito ng suspek at pinagsasaksak sa kanyang katawan.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas si Gervacio samantalang dinala naman sa Libacao Infrimary Hospital si Rata at kinalaunan ay dinala sa isang pribadong Hospital sa Kalibo at kasalukuyang naka ICU.

Sa isinagawang Hot Pursuit Operation ng mga kapulisan naaresto ang suspek sa Barangay Pinonoy Libacao at nakuha sa kanyang posisyon ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak.

Sa ngayon ay nakakulong na si Gervacio sa Libacao Municipal Police Station at sasampahan ng kaukulang kaso.

Napag-alaman na nag-ugat ang away ng dalawa ng may nangyaring gulo sa pagitan nila kasama ang kapatid ni Rata na si Jeno Rata noong March 26, 2023.