Connect with us

Aklan News

Tatlong sabungero huli sa iligal na sabong

Published

on

Tatlong sabungero ang dinakip ng mga kapulisan dahil sa iligal na sabong kahapon sa Brgy. Mabilo, New Washington.

Kinilala ang mga naarestong sina Jovel Galopo, 31 anyos, ng Brgy. Caano, Kalibo; Shien Alexis Belan, 32 anyos at Reynold Rentillo, 36 anyos mga taga Mabilo, Kalibo.

Sinalakay ng Provincial Special Task Force on illegal Gambling ang lugar at dito nahuli sa akto ang mga sabungero.

Nakumpiska mula sa lugar na pinagdausan ng sabong ang mga manok na panabong, cash na P1,460 at iba pa.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *