Connect with us

Aklan News

Apat sugatan sa aksidente sa motorsiklo kasama ang 3 mag-aama

Published

on

By

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo gayundin ang tatlong mag-aama na nakabanggaan nito sa Poblacion, Batan.

Batay kay Jason Gaspar, 23 anyos, ng Brgy. Lupit, Batan, galing siya sa Poblacion at pauwi na nang makabangga ang kasalubong na motor na minamaneho naman ni Rodolfo Gutierrez, 45 anyos ng Ambolong, Batan.

Kwento niya, alanganin ang pag-overtake ni Gutierrez sa kasunod nitong traysikel kaya dumeretso ito sa kanyang linya na nagresulta sa kanilang head on collision.

Kapwa nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang mga biktima kabilang ang 13 at 5 taong gulang na mga anak ni Gutierrez na nakaangkas sa kanya.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *